Let me remind everyone that we cannot afford to have a reenacted budget next year. Huwag natin ipasa sa tao ang burden of passing an appropriate budget for 2021. Tandaan natin na dapat by January 1, may naipasa nang budget.

Bakit? Isipin ninyo, kung wala tayong angkop na budget sa susunod na taon, saan kukuha ang gobyerno ng pondo para sa COVID-19 recovery measures — tulad ng pambili ng vaccines, testing equipment, dagdag na PPEs para sa frontliners, at iba pang kagamitang pangkalusugan? ‘Yung mga pagpapatayo ng mga health infrastructures, tulad ng quarantine facilities at pag-enhance ng kapasidad ng ating mga ospital, kasama na rin po dyan.

Paano natin bubuhayin ang ating ekonomiya? Yung mga programa para mabigyan ng panibagong kabuhayan ang mga nawalan ng trabaho? Yung para sa edukasyon, lalo na ngayon nag-aadjust ang mga estudyante sa blended learning? Paano yung mga tulong para sa mga negosyo at para sa mga OFWs at iba pang Pilipino na nais umuwi sa kanilang mga probinsya? Paano rin po yung dagdag na ayuda para sa mga mahihirap at pinaka-nangangailangan?

Paano tayo babalik sa normal na pamumuhay kung hindi natin maibibigay ang angkop na budget na kailangan para maiahon ang ating bansa mula sa kahirapan?

Lahat yan nakapaloob sa proposed 2021 budget. Wala po iyan sa existing budget natin. That is why we need to pass a budget that is suited and responsive to the current needs of our people — not a reenacted budget.

If we want to help the Filipino people, let us support the Executive by providing the resources they need to implement the necessary plans and programs to overcome this ongoing crisis, help the economy recover, and uplift the lives of millions of Filipinos.

Even if the President has the power to call for a special session, my challenge to my fellow legislators is to work together so that we can pass the budget on time. I will even recommend to the President to certify this measure as urgent. Nakikiusap po ako kay Pangulong Duterte na i-certify ang budget as urgent.

At the end of the day, ang masisisi na naman dito ay ang Pangulo at ang Executive agencies kung hindi maipatupad ang mga programa na kailangan sa susunod na taon.

Noong 2019, nagkaroon na tayo ng reenacted budget. Hindi na pwede maulit ito. The government may lose billions of pesos a day if a reenacted budget will be implemented. Lahat tayo magsa-suffer, lalong-lalo na po ang mga mahihirap na Pilipino.

Bakit natin hahayaan na patuloy na maghirap ang mga Pilipino sa dinaranas nating krisis ngayon kung mayroon naman tayong pwedeng gawin? Alam nating marami pong nagugutom, bakit hahayaan natin na mas marami pa ang magugutom dahil sa away-pulitika?

Uulitin ko, huwag na tayong magpasahan pa. Ipasa na natin ang dapat ipasa!

Bilang isang mambabatas, I am challenging my fellow legislators — mga kongresista at senador — nakikiusap po ako, let us pass the 2021 budget on time. Lahat naman tayo ay sweldado ng taumbayan kaya magtrabaho tayo para sa ikabubuti ng bansa.

Hindi naman tayo mga estudyante na kailangan pa ng recess o suspension. Ituluy-tuloy na natin ang trabaho at wala pong dahilan na hindi natin matapos o maipasa itong budget on time. Kung gustuhin talaga natin, may paraan naman.

Gawin natin ito alang-alang sa ating kapwa Pilipino na naghihirap ngayon. Umaasa ang mga Pilipino na sa bagong budget, matutulungan silang mabilis na makabangon sa krisis na dulot ng COVID-19. Huwag natin silang biguin. Lagi nating unahin ang interes, kapakanan at buhay ng bawat Pilipino. Magtulungan po tayo. Magbayanihan po tayo.

Huwag na natin hintayin pa ang Pangulo na magsabi sa atin: “If you cannot solve this problem, I will solve it.” Gawin na natin ang trabaho natin habang may panahon pa. Salamat po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.