27 August 2019

Mr. President, distinguished guests, colleagues, I stand on a matter of privilege today not just to answer a personal attack against me, but to defend the interest of the Filipino people. After this speech, I humbly decline to answer any questions or yield the floor for interpellations as that would merely squander away the precious time we have in this esteemed institution. Thank you very much.

Mr. President, ang tunay na epektibong burukrasya ay nagsisilbing tulay ng mga tao sa mga serbisyo ng gobyerno. Hindi ito dapat parang EDSA na, maliban sa traffic na, napakarami pa nitong pasikut-sikot na nakahihilo, nakapang-iinit ng ulo, at lumulustay sa buwis na binabayaran ng mga Pilipino.

Halimbawa, noong assistant pa lang ako ni Pangulong Duterte, nang Mayor pa siya ng Davao, saksi na ako sa lahat ng paghihirap at sakripisyo na kailangang harapin ng mga Pilipino para lamang maka-avail ng medical assistance mula sa gobyerno.

Nag-umpisa po ito, sa Davao City po iyan. Pumipila po sila sa labas ng city hall. Alam niyo po, doon ko po natutunan, ang daming lumalapit na taga-Surigao, taga- Bukidnon at hindi taga-Davao. Ang parating sinasabi ng COA, bawal daw gamitin ang pera ng taga-Davao sa iba. Alam niyo narinig ko, sinabihan ako ni Mayor Duterte, Bong, kung uupo ako dito as mayor, at hindi ako makakatulong sa aking kapwa Pilipino, di na ako babalik dito bukas. Sabi niya, ‘Hanapan mo ng paraan, bahala ka kung saan mo kunin ang pera, basta, bayaran mo iyan. Hindi ko matiis na hindi ko matutulungan ‘yung mga Pilipino.

Noong naging Pangulo na si Pangulong Duterte, sabi ko, ‘Ano ba ang pwede nating itulong sa ating mga kapwa na mapabilis ang serbisyo at huwag natin silang pahirapan?’

Dahil wala pang iisang opisina noon kung saan maaaring dumulog ng tulong ang ating mga kababayan, kailangan pa nilang pumila ng pagkahaba-haba sa magkakahiwalay pang ahensya ng gobyerno – paminsan aabutin pa ng ilang oras sa ilalim ng init ng araw, iiwanan pa ang kanilang probinsiya at pupunta sa siyudad para lang mabigyan ng tulong mula gobyerno.

Gabundok na forms ang kailangan din nilang sagutan at sangkatutak na requirements ang dapat ipasa para lamang sa mumunting tulong mula sa gobyerno na ang totoo ay pera naman talaga nila.

Sa pagsunod pa lamang sa napakahabang proseso ng pag-request ng medical assistance sa magkakahiwalay na ahensya, ubos na ang oras, ubos ang panahon, at pera ng ating mga kababayan, habang ang gastusin at hospital bills nila, palaki naman ng palaki.

Ang ilan pa sa mga epal na pulitiko, ginagamit ang paghihirap ng mga tao sa kanilang pansariling interes sa pamamagitan ng endorsement letters na nagke-claim ng credit sa mga tulong na ibinibigay ng gobyerno sa mga tao.

Kapag kulang ang maipon na assistance mula sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng PCSO, DSWD, at discount mula PhilHealth, pupunta naman sila sa mga opisina o bahay ng mga public officials – kay Mayor, kay Congressman, pati sa Senador at sa Pangulo.

“Kaya noong nag-usap kami ni Senator Win Gatchalian, tingnan niyo po ‘yung PAC diyan sa Senado, tingnan niyo kung

gaano kadami ang gusto magpatulong. Nakakaawa. Kaya noong nag-usap kami nina Senator Win Gatchalian, Majority leader Migz Zubiri at Senate President Vicente Sotto III, sina Senator Villar, Tol, Angara at ng iba pang mga kasamahan natin dito sa Senado, sumang-ayon sila na dapat maisa-ayos ang Public Assistance Center ng Senado. In fact, ongoing na ang planong renovation ng gusaling ito at nag-request po ang Senate PAC kung pwedeng i-adopt ang konsepto ng Malasakit Center dito… isang konsepto na nais ko ikwento sa inyo ngayon ”

Uulitin ko para sa ating mga kababayang nakikinig, pera po ninyo ito. Hindi ito pera ng sinumang opisyales. Pera ito ng gobyerno na dapat lang ibalik sa inyo sa pamamagitan ng maayos na serbisyo.

Hindi ko mapigilang mahabag ng puso ko sa mga kababayan nating nagdurusa dahil may karamdaman silang pinapasan na hindi nila mapagamot dahil sa kakulangan ng pera. Tulad niyan po.

Nang maging Special Assistant ako ng Pangulo, ganoon pa rin. Araw-araw, napakaraming Pilipino ang lumalapit sa aming opisina, pumipila sa ilalim ng init ng araw, nagmamakaawa, dahil hirap na hirap silang humanap ng tulong mula sa gobyerno.

Sa mga kadahilang ito kaya nabuo ang konsepto ng Malasakit Center. The program was designed to streamline and expedite the delivery of medical services to Filipinos, especially to those who need them most.

Hindi yan LOGO ng Politiko. Walang logo ni Bong Go.

It is one of the solutions of the Duterte administration to provide quick and quality access to healthcare to all Filipinos, regardless of their age, sex, ethnic background, religion–and let me emphasize this–regardless of their political affiliation.

These offices, which are hosted by government hospitals all over the country, in fact po, sa Valenzuela, isa po sina Mayor Gatchalian na gumawa ng Malasakit Center sa hospital po nila. It serves as one-stop shops where Filipinos can seek aggregated financial assistance provided by various government agencies.

With the installation of a proper queuing system and express lanes for senior citizens and people with disabilities in these offices, Filipinos will no longer have to endure long lines and fill up piles and piles of forms just to get medical assistance from the government.

Currently, there are 41 successfully established and fully operational Malasakit Centers across the country. 18 in Luzon including 2 in the Bicol Region, 13 in Visayas, and 10 in Mindanao, and the Duterte administration plans to establish more in the months to come even pending legislation and institutionalization of these centers. Kung maisabatas po ito, magkakaroon na ng isang Malasakit Center sa bawat Public Hospital sa bawat probinsiya sa bansa.

Inuulit ko, isa lang ang layunin ng mga opisinang ito: Ang mapabilis ang pagbibigay ng medical assistance ng gobyerno sa mga Pilipinong nangangailangan nito kahit saan man sila sa bansa. Walang labis, walang kulang. Pera niyo ito, ibinabalik lang po sa inyo.

If only our politicians will start paying attention, they will see how the Malasakit Center program has assisted so many of our countrymen and women.

Isa na sa kanila si Prince Thyrone, isa po siyang 11- month-old na sanggol na ipinanganak na premature at kinailangang ma-confine sa intensive care unit or ICU ng isang ospital sa Pasay.

Dahil sa napakalaking hospital expenses, dumulog sa Malasakit Center ang ama ni Prince Thyrone para makakuha ng medical assistance sa gobyerno. Hindi po natin siya binigo. Dahil po sa Malasakit Center, naibsan ang napakalaking gastusin nila sa ospital.

Kaya naman nakalulungkot isipin na sa kabila ng magandang hangarin ng programa, kamakailan lamang ay nakarinig po tayo ng mga “mema” na pulitiko na tila kailangan ng tulong ng Malasakit Center para mapagamot ang dumi ng kanilang utak. Kesyo partisan daw ang mga Malasakit Center, kesyo ginagamit daw po natin ang mga opisinang ito para sa pulitika. Malaking kasinungalingan po ang mga ito. PAsensya nap o kayo, Bisaya po ako.

Una po sa lahat, hindi pamumulitika ang mag-malasakit sa ating mga kababayan. Hindi po pamumulitika ang kagustuhan nating mas mapadali ang pagbibigay ng tulong sa mga Pilipino. Hindi po pamumulitika ang pagbabalik sa mga kababayan natin ng perang sa kanila naman talaga.

Pera po ng tao iyan. Sa kanila iyan. Bakit ba natin ipagkakait ang kanilang buwis para mapagamot ang kanilang karamdaman?

Ikalawa, magbigay kayo ng isang kaso sa akin na pinagkaitan ng tulong ng Malasakit Center dahil salungat ang kanilang posisyon at pulitika sa gobyerno.

Wala pong pinipiling benepisyaryo ang Malasakit Center. Ito ay serbisyo para sa lahat. Kahit na sino, basta Pilipino, maaari kang lumapit sa mga opisinang ito para maibigay ng gobyerno ang tulong na kailangan mo.

Matagal na rin pong ipinagbawal ang maglagay ng mukha ng sinumang pulitiko sa programa. Hindi po namin ito gawain. Para sa kaalaman ng iba, matagal na po namin ipinagbabawal ito sa Davao. Pinapagalitan at pinagsasabihan pa nga ako ng Pangulo noon kung may makikita siyang kahit anong pangalan ng pulitiko sa tabi ng programa o serbisyong pampubliko. Yung mga proyekto po ni Mayor Duterte noon, noong mayor siya, Congressman siya, wala pong ‘in the initiative of’. Gusto ni Presidente na mabilis ang tugon sa lahat ng mga nangangailangan. Ito rin ang hangarin ko. Mr. President, hindi rin po ito “Bong Go Center”.

Nagkataon lang na “brainchild” ko ang programang ito. Ako lang po ang naatasan ng ating Pangulo para pangunahan ang programang ito. Inuulit ko: Hindi akin yan at hindi para sa akin yan. Yan ay para sa lahat ng Pilipino.

Ang hindi ko nga po maintindihan ay sa hinaba-haba ng panahon at sa dinami-dami ng nagmamagaling at nagmamatalino sa gobyerno, hindi man lang nila naisip na kailangan ito ng taong-bayan. Kinailangan pa ng ilang probinsyano gaya ni Pangulong Duterte, Secretary Mike Dino at Bong Go para maibigay ang simpleng solusyon na ito sa taumbayan.

Hindi po gaya ng mga pulitikong bumabatikos sa Malasakit Center, wala po tayong balak maging epal. In fact, wala ngang Honorable ang pangalan ko. Tignan ninyo ang pintuan ko sa opisina. Pagkaupo ko, sabi nila, bawal daw po iyan. Pansinin niyo yung kay Mayor Duterte, wala pong nakalagay na mga Honorable. Tignan niyo ang pintuan na yan. Ayaw kong sumikat o magpasikat. Tapos na ang eleksyon. Panalo na ako. Gusto ko lang magtrabaho. Ginagawa lamang natin ng maayos ang trabaho ng gobyerno.

Kaya nga po isinusulong ko na maisabatas ito—para hindi lang nakadepende ang pondo sa mga politiko o kung sino man ang nakaupo sa Malacañang.

Ikatlo, ang Malasakit Center program ay isang mekanismo lamang ng gobyerno upang pabilisin ang pagbibigay ng assistance sa mga Pilipino. Isa itong One Stop Shop para sa mga humihingi ng tulong.

PCSO, PhilHealth, DSWD and other agencies do not fund their operations. It is the public hospitals with the help of LGUs that finance their establishment.

In Malasakit Centers, the concerned government agencies retain and run their own medical assistance programs. The Center only simplifies the process and eases the burden on the patients. And nag-aassess ay ang qualified social worker. Walang kinalaman ang Malasakit Center sa desisyon ng agencies na tumutulong.

Ang kaibahan lamang, hindi na mahihirapan ang mga kababayan natin dahil sa iisang opisina na lamang sila pupunta, nasa isang bubong na lang, para sa government assistance at di na po sila lalayo sa mga ospital para makakuha ng tulong dito.

Panghuli, may mga nagsasabi po na hindi raw epektibo ang Malasakit Center dahil may mga nagrereklamo raw na hindi sapat ang assistance na naibibigay.

This is, in fact, the very reason why we would like to institutionalize the Malasakit Center program through a proposed measure we filed just last month. Ito po yung Senate Bill 199: Malasakit Center Act of 2019.

We acknowledge that the program may be a work in progress. While there may have been birth pains in its operations, mas marami po itong natulungan kaysa nagreklamo.

Kaysa dumada lamang po tayo at sayangin ang buwis na ibinabayad sa atin ng mga Pilipino, magtulungan na lamang sana tayo para maipasa ang Malasakit Center Act, gawing mas maayos ang proseso at mas marami pang Pilipino ang makinabang dito.

Nais ko rin pong humingi ng paumanhin sa isang Congressman diyan at sa iba pang bumabatikos sa inisyatibong ito ng gobyerno. Kung plano po ninyong humingi ng tulong para sa pagpa-pogi, hindi po nagbibigay ng tulong ang PCSO o Malasakit Center para sa pagpapaganda o pagpapagawa ng mukha.

Under PCSO’s program, the agency accepts requests for hospitalizations, dialysis, medicines, except maintenance and cosmetic purposes. Kaklaruhin ko lang po, hindi po tinatanggap ng PCSO ang mga requests to fund aesthetic enhancements or any cosmetic purposes.

Gusto man namin kayong tulungan, hindi po iyan parte ng medical concerns na ginagawaran ng assistance ng PCSO. Wala rin pong legal basis ang pagtulong sa pag- repair ng inyong mukha. At paprangkahin ko na rin po kayo, your image is beyond repair.

Hindi po ikaaayos ng pagmumukha ninyo ang pag-kontra ninyo sa interes ng mga Pilipino.

Mr. President, gusto ko sabihin kay Congressman Edcel Lagman, naturingan pa man din siyang public servant pero hindi niya pinag-aaralang mabuti ang mga sinasabi niya. Ni hindi niya man lang naisip na isa ang kanyang probinsiya sa mga kauna-unahang nakinabang sa programang ito ng gobyerno. Nandoon pa ang anak niya na si Vice Governor Grex Lagman sa launching ng Malasakit Center sa Albay para magwitness sa proyektong ito.

Ano na lamang ang sasabihin ng mga Bicolano kapag nalaman nilang ang mismong congressman nila ang bumabatikos sa programang tumulong sa kanila na malunasan ang kanilang karamdaman? Ano na lamang ang sasabihin ng mga Bicolano kapag nalaman nilang walang malasakit sa kanila ang mismong representative nila sa gobyerno?

Congressman Lagman, do not be anti-poor. Ang pera ng tao, nararapat lamang na ibalik sa tao. Mahiya kayo sa mga constituents ninyo. Mahiya kayo sa milyun-milyong Pilipinong natulungan na ng programang ito.

Congressman Lagman, balita ko pinapupunta mo pa sa bahay mo ang mga tao para mag-avail ng benefits o assistance. Andoon na sa loob ng ospital ang pasyente, papapuntahin mo pa sa iyo para ipamukha sa kanila na ikaw mismo yung tumutulong. Nasa ospital na, papahirapan mo pa. Pasensya na, pero hindi ganyan ang asal ng isang totoong lingkod bayan. Hindi dapat ganyan ang serbisyo sa tao.

Tignan niyo yan oh. Iyan ang referral ng kanyang staff. Bakit pa kailangan ng referral at pumunta sa bahay niya. Eh pera nila yan. Pumunta na lang kayo sa Malasakit Center.

May iba ding mga politiko diyan, tulad niya, na nagbibigay ng endorsement o humihingi ng endorsement galing sa barangay leaders bago tumulong. Now, that is partisan politics! Never ako nagrequire ng ganyan! Never ko pinagpilian ang taong tutulungan ko!

Ang Malasakit Center, nasa ospital na mismo, bakit pa gustong pinapahirapan at pinapapunta sa iba’t ibang lugar na malalayo ang mga maysakit nating kababayan? Dadagdagan pa ba natin ang pasakit nila? Hindi iyan ang trabaho natin dito. Ang trabaho natin ay matulungan sila, alagaan sila at magpakita ng tunay na malasakit.

Kaya sobrang nakakalungkot na ako pa ang inaakusahan ng partisan political activity eh ni minsan hindi ako humingi ng kahit anong endorsement, identification o privilege card para sa mga taong tinutulungan ko. Lahat ng pwedeng matulungan, handa akong tumulong. Ang hirap kasi sa iba, hahanapan ng mali ang isang bagay na nakakatulong para lang sa pansariling pulitika.

Basta ikaw ay Pilipino, qualified ka sa Malasakit Center.

Congressman Lagman, ganyan ba ang nagagawa kapag matagal na sa pulitika? Dahil po ba sa tagal na ninyo sa pulitika kaya manhid na kayo para maramdaman ang ilang dekada nang problema ng inyong mga kababayan at ng mga Pilipino ukol sa tulong medikal?

Kung gusto mo, palitan mo nalang ang mga ito ng sarili mong programa. Pangalanan mong “Manhid Center”, “Maramot Center” bagay na bagay sa kawalan mo ng malasakit sa ating mga kababayan.

Ako ay isang simpleng probinsiyano lang po—isang hamak na taga-Davao at taga-Mindanao na binigyan ng pagkakataon na magserbisyo. Pero lahat ng Pilipino, kahit sinuman, iniintindi at tinutulungan ko. Minsan lang ako dadaan sa mundong ito kaya gagawin ko ang tama; gagawin ko ang aking trabaho. Ipaglalaban ko na maisabatas ang panukalang ito, maisasaayos ang mga programa ng gobyerno, at mas makatulong tayo sa lahat ng Pilipino.

Maraming salamat po, Mr. President.

1 Comment

  1. Last Friday September 20,2019 nag invite po ang OSCA Mabalacat City sabi Seniors Citizens Day Daw, bakit po Senator Bong Go , ang mga namamahala dito sa OSCA MABALACAT CITY ay napakalki ang diskriminasyion, may binibigyan ng pagkain , iyong iba wala , namili lang po nang kanilang binibigyan, sa akin pong obserbation mula ng maGSTAY AKO DITO ang Mabalacat City OSCA MANAGEMENT AY NAPAKA worse po, bakit ang mga karatig Barangyay Kapitasn po kailangan ang City.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.