STATEMENT OF FORMER SAP BONG GO

Magandang araw po Sen. Leila De Lima. Kamusta na po kayo diyan? Sana ay nasa maayos kayong kondisyon para maka-focus po kayo sa inyong obligasyon sa tao na i-tama ang iyong mga maling nagawa sa bayan.
Nabasa ko po ang inyong sulat tungkol sa akin. Gusto ko lang po klaruhin ang ilang mga paratang ninyo na hindi totoo at ilang beses ko na ring nasagot. Pero dahil nandiyan kayo sa loob, baka di niyo nababasa ang mga lumalabas sa balita.
Unang una, kami po ni Pangulong Duterte ay palaging sumusunod sa batas. Wala po kaming hangarin kundi tumulong at ipaglaban ang kabutihan ng bawat Pilipino. Kung matatandaan ninyo, ito rin ang rason kung bakit pinaniniwalaan ng tao ang kakayahan ng Pangulo na mamuno at ito rin ang rason kung bakit po kami nandirito – at ikaw naman ay nandiyan sa kulungan. No one is above the law, Madam Senator.
Through the guidance of Mayor Duterte, natutunan ko na palaging magkaroon ng delikadeza at pagmamalasakit sa lahat ng aking ginagawa. Sa aking pag-iikot, nakita ko ang tunay na kalagayan ng Pilipino. Lahat po tayo ay may obligasyon na tumulong. Kung kaya’t kahit saang sulok ng bansa sinusubukan ko magbigay ng maayos na pagseserbisyo sa bayan, may posisyon man ako o wala.
Marami akong mga kaibigan na naniniwala sa aking ipinaglalaban at tumutulong sa akin na maghatid ng tulong sa ating mga kababayan na nabiktima ng sunog at iba pang uri ng trahedya. Hindi ako katulad ni Sen. De Lima na umano’y gumamit ng pondo galing sa mga drug lords para sa kanyang ambisyong politikal.
Ngayon na private citizen na po ako, patuloy ang aking pagtulong sa kapwa at wala akong ginagamit ni isang piso galing ng pondo ng pamahalaan. Malinis ang konsensya ko. Hindi galing sa mga drug lords ang perang ginagamit ko sa pagtulong, hindi katulad ng iba dyan na hindi na nga nakakatulong, nanggugulo at nakikisawsaw pa, pinoprotektahan pa ang mga kriminal. Huwag nyo akong ihalintulad sa inyo.
Marahil rin hindi niyo na rin po nababasa ang iba kong hangarin para sa bayan para ituloy ang pagbabagong nasimulan ni Pangulong Duterte. Andiyan sa mga plano ko ang pagtulong sa mga maysakit, mga naaapi, at mga napabayaan ng nakaraang administrasyon. Plano rin namin palakasin ang laban sa iligal na droga, kriminalidad at korapsyon – mga bagay na prinotektahan niyo noon.
Nakakataba ng puso ang tulong at suporta na nakukuha ko mula sa taumbayan. Sila po ang kumakampanya sa akin habang ako ay tumututok sa pagserbisyo sa Pangulo at sa tao nang walang hinihinging sweldo o kapalit. However, let me clarify again that I have always advised my supporters to use the funds instead to help other people.
It is true that I still go with President Dutere from time to time. Mahal ko si Tatay Digong. Nangako po ako sa kanya na hindi ko siya pababayaan habang buhay pa ako. Kung sunod man ako ng sunod, ito ay dahil sa pangako ko sa kanya, sa pamilya niya at sa lahat ng nagmamahal sa kaniya. Hindi ito kawalan sa gobyerno dahil ginagawa ko ito sa personal ko na kapasidad. Walang pera ng gobyerno na nasayang at walang drug money na ginamit.
What I am doing is my solemn obligation as a Filipino to help my fellow Filipinos. I see their pain and struggles every day. I hope Sen. de Lima also sees that from the windows of her detention cell. However, she would be better off looking at the mirror before making any comment and focus on her legal liabilities.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.