Go welcomes latest SWS survey

STATEMENT OF BONG GO ON THE LATEST SWS SURVEY

Una sa lahat, labis ko pong pinasasalamatan ang mga patuloy na nagtitiwala sa ating kakayahan na makapagsilbi sa bayan. Nagpapasalamat po ako dahil mula po sa pagiging number 24 hanggang 26 sa mga nakalipas, tayo po ay statistically tied na sa 14th place sa ating kaalyadong si dating PNP chief Ronald Bato dela Rosa sa latest senatorial survey ng Social Weather Station.
Maliban sa pagtaas ng suporta para sa aking kandidatura para Senador base sa pinakabagong survey sa SWS, makikita rin ang sentimyento ng nakararaming Pilipino na dapat maipagpatuloy ang tunay na pagbabago na ipinaglalaban ng ating Pangulong Rodrigo Duterte.
Patuloy ko pong gagawing inspirasyon ito sa aking sarili para ipakita at iparamdam ang totoong serbisyo na dapat ibigay sa sambayanan. Kasama na dito ang pagpapatuloy ng mga nasimulang programa at pagseserbisyo ng Pangulong Rodrigo Duterte. Hangad ko po na makamtan ng bawat Pilipino ang tunay na pagbabago lalo na sa pagpasok ng 2019 at sa susunod na mga taon.
Makiisa po tayo sa patuloy na pagmamalasakit sa kapwa, pagseserbisyo tulad ni Tatay Digong na walang hinahangad na kapalit maliban sa pag-angat ng pagkatao ng bawat Pilipino, at sa pag-asam ng tunay na pagbabago para sa kinabukasan ng ating bansa. Maraming salamat po.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.