Isang mainit na pagsalubong ang natanggap nila Pangulong Rodrigo Duterte, Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence “Bong” Go at ilang miyembro ng administrasyon pagkadating nila sa Queen Alia International Airport ng bansang Jordan kahapon, September 5.

Malugod silang sinalubong ni Minister Hala Lattouf ng Social Development ng Jordan at Escort of Honor, Amman Governor Sa’ed Shihab, Amman City Mayor Yousef Shawarbeh at ibang mga matataas na opisyal ng Jordan.

Mainit namang sinalubong sina Tatay Digong, Kuya Bong at Iba pang Mga opisyal ng ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) na naghintay sa lobby ng hotel.

Agad nakipagkwentuhan at kinumusta ni Kuya Bong ang mga OFWs na nandoon at naghihintay para sa kanilang pagdating. Nagpaunlak ng mga litrato at selfie si Kuya Bong sa ating mga kababayan na ikinatuwa naman nila.

Umaasa si Kuya Bong na mas makilala ang iba pang OFWs sa pamamagitan ng isang pagtitipon sa Filipino Community na kasama sa kanilang schedule.

Matapos ang matagumpay na opisyal na pagbisita sa bansang Israel, inaaasahan naman din sa 3-day official visit nila Tatay Digong at Kuya Bong na mas mapapatibay din ang ugnayan ng Pilipinas at Jordan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.