Sa unang pagkakataon, nakarating sa Israel ng maayos mula sa Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte sa Ben Gurion International Airport kahapon, September 2.
Kasama ni Tatay Digong si Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence “Bong” Go, Davao City Mayor Sara Duterte at ang ilang opisyal na delegasyon ng Pilipinas.
Tumungo agad sa Ramada Hotel si Tatay Digong para makaharap at makausap ang Filipino Community (FilCom) sa Israel. Isang mainit na pagsalubong naman ang ibinigay ng ating mga kababayan sa Israel nang dumating ang Pangulo.
Masaya si Tatay Digong dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakilala na rin niya ang bumubuo ng FilCom Israel. Hindi rin nakalimutang magpasalamat ni Tatay Digong sa grupo dahil sa walang sawang pagsuporta sa gobyerno at pagiging instrumento sa tunay na pagbabago, pag-unlad at pagkakaisa ng ating bansa.
Hindi rin pinalampas ni Tatay Digong na ibida si Kuya Bong. Sinabi niya sa harap ng FilCom na hindi pa man sigurado sa pagtakbo si Kuya Bong ngunit marami na itong napakitang galing sa pamumuno at pagtulong sa kapwa Pilipino. Ika nga ni Tatay Digong, matalino at mahusay na alagad ng sambayanan si Kuya Bong.
Nagpasalamat din si Tatay Digong sa bansang Israel para sa pag-imbita sa kanya na bisitahin ang bansa at sa maayos na pag-alaga nito sa ating mga kababayan.