Sa gitna ng ulan at baha, inikot ni Kuya Bong Go ang mga lugar na apektado upang kamustahin ang lagay ng mga biktima, at siguraduhing mabilis na natutugunan ng mga ahensya ng national at lokal na gobyerno ang lahat ng kanilang pangangailangan.

Dala ni Kuya Bong Go ang mensahe mula kay Pangulong Duterte na handa ang Malacañan para sa ano mang tulong ang kakailanganin upang maiangat ang kabuhayan ng mga nasalanta ng baha.

Unang binisita ni Kuya Bong ang city health office ng Marikina na ginawang Command Center ng siyudad para sa kanilang disaster relief efforts. Dito ay binigyan sya ng assessment briefing ng mga lokal an otoridad.

Galing sa command center, dumiretso si Kuya Bong Go sa barangay Sto. Niño evacuation center. Dito ay nasaksihan nya ang pag distribute ng mga donasyon sa 204 na pamilya na mga binaha. Ang mga ipinamahagi ay galing sa mga pribadong kompanya tulad ng Puregold at iba’t ibang mga indibidwal na tumugon sa panawagan ni Kuya Bong na tumulong sa mga nabahaan.

Bago lisanin ang Marikina, dinaanan pa muna ni Kuya Bong Go ang isa pang evacuation center sa barangay Nangka kung saan nagpakain at namahagi ng relief goods ang mga grupong Friends of Bong Go at Pilipinong May Puso Foundation sa mahigit 700 na pamilya.

Malaki ang pasasalamat hindi lang ng mga nabahaan, kundi pati na rin ni Kuya Bong Go sa lahat ng mga volunteers at mga nag donate ng pagkain, tubig, at iba pang mga bagay. Eto ang tunay na pagiging Pilipino – handang tumulong sa panahon ng pangangailangan.

At habang patuloy ang pagbuhos ng ulan, tuloy din ang pag himok ni Kuya Bong Go sa lahat ng kanyang mga supporters at kaibigan: “Trabaho natin ang tulungan ang ating mga kababayan!” (PR)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.