Bong Go supporters tumalima sa hiling ni SAP

Sa kabila ng pagtugon ng ilang supporters ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go na baklasan ng kanyang mga supporters ang inilagay nilang mga tarpaulin, nanindigan ang ilan sa mga ito na patuloy nila itong susuportahan .

Sinabi ng isa sa mga naglagay ng tarpaulin ni SAP Go sa Candaba viaduct sa North Luzon Expressway na inalis nila ang ikinabit nilang billboard dahil nirerespeto nila ang kalihim sa panawagan nito.

Tiniyak din ni Christine Yu na anuman ang personal funds na mayroon sila ay ibibigay na lang nila sa mahihirap tulad ng panawagan ni SAP Go.

Ipinaliwanag ni Yu na inilagay nila ang billboard kasi matagal na silang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte at naniniwala sila sa plataporma nito gayundin ang paniiniwala nila sa kakayanan ni SAP Go.

Samantala, maliban kay Yu, isa pang supporter nina Pangulong Duterte at SAP Go ang lumutang pero nakiusap na wag nang pangalanan para ipaliwanag na nagpalagay siya ng mga tarpaulin ng Kalihim sa EDSA dahil gusto nilang ipakita ang suporta nila sa dalawang opisyal.

Nanindigan din itong personal niyang pera ang ginastos at naninindigan siyang karapatan niyang maghayag ng kanyang saloobin.

Gayunman, bilang respeto sa pakiusap ni SAP Go ay tumugon siyang alisin ang mga ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.